kung hindi masama ang panahon tutuloy kami sa binabalak naming photowalk bukas sa cavite city. 1st time for me para masubukan mag street shoot.
balak kong gamitin yung old point and shoot cam ko. tatlong rason. number 1, para magamit naman ito ulit. number 2, dahil mas malawak ang range na nako-cover nito kaya hindi ko na kelangan magpalit-palit ng lens. at number 3, dahil ito ay magaang dalhin kumpara sa dslr.
gagamitin ko rin yung lomo at 1st time kong gagamit ng slides ngayon. meron akong 1 roll ng velvia at 1 roll ng provia. ipapa-cross process ko yang mga yan sa alabang one of these days.
sana enjoy bukas.
post script:
yung college classmate namin na nasa illinois nanghihingi sa kin ng mga black and white pinoy society pictures. she'll be using it to decorate her walls. sa shoot bukas siguro ko kukuha ng ibibigay sa kanya. ayun, at last may napala rin ang mga picture picture na pinaggagagawa ko.