nakita ko na yung hinahanap ko. best film na nasubukan ko para sa lomo so far. hindi ako nage-expect pero buti na lang, as in buti na lang talaga, pinakyaw ko yung solidgold 200 na nakita ko last august.

output looks almost like crossprocessed slides which are 6 times more expensive. wala pang problema sa pagpapa-develop and scan dahil kahit saang photo shop pwede unlike slides na atc pa ang pinakamalapit na shop na nagko-cross process.
lumabas na rin yung mga vignettes na matagal ko nang hinahanap. actually, yung vignettes na yun ang isang malaking dahilan kung bat ko natripan tong viv.
sulit talaga yung 50 pesos ko sa film na to. kung ako tatanungin ire-recommend ko siya for lomography ng walang isip isip.
magdadala siguro ako ng mga tatlong roll nito kapag natuloy yung street shoot namin next saturday.