eto yung pinaka sikat na libro ngayon sa mga kabataan. ang akala ko pang girl pero marami na rin akong kilalang macho na nalilibang na rin sa twilight.
as expected ginawan na ng movie adaptation yung sinasabi kong libro. it's obvious, nauubusan na ng istorya ang hollywood kaya puro adaptation ng asian film o libro ang inilalabas. if not, remake naman.
anyways, nagustuhan ko yung trailer. mukhang papanoorin ko 'to sa sinehan.
actually, may twilight t-shirt na ko last month pa. and no, hindi ako fan... kahit ngayon hindi pa. na-holdap lang ako nung ultimate repost sisters kaya napabili ako ng de oras. cool naman yung "vegetarian vampire" design kaya kinagat ko na rin.