nanonood ako ng bagets sa youtube (malinaw ang kopya, pramis) nang biglang nag-down ang smartbro. malungkot tuloy ang buhay. nasa part 3 pa naman na ko nun. pinagti-trip-an nila si herbert ng ketchup.
sabi ng smart employee sa sm kahapon tatawag daw ang customer service nila within 24 hours para ayusin ang connection namin. and they're consistent of being inconsistent, hanggang ngayon wala pa rin kaming tawag na nare-receive. inaantay ko lang ma-charge yung celfone ko at ako na ang tatawag mismo sa kanila.
pangatlong gabi ko nang nakiki-internet sa kapitbahay (ng hindi niya alam). umaabot ang signal dito sa front porch namin kaya hiniram ko muna tong netbook ni erpats para mapunuan ang daily dosage ko ng internet.
mahirap rin tong nakikisagap lang ng signal. minsan paputol putol kaya hindi mo rin matapos yung ginagawa mo. at may ilang mga website na hindi mo ma-enjoy. tulad na lang ng youtube. hindi ko tuloy maituloy yung pinapanood ko nung isang araw.