sleeptalk ang current favorite song ko. ngayon ko lang muling binibisita ang 1st album ng updharma down.
nararamdaman ko na gusto ko ng massive dosage ng udd music. siguro excited lang ako bumili ng 2nd release nila. bipolar. too bad hindi pa available sa mga record bars dito sa cavite. yun ang problema pag nanggagaling sa terno records. usually kelangan ko pa lumuwas ng manila para lang makabili ng albums galing sa stable na ito.
one chance na makakuha ako ng bipolar ay ngayong sunday. i'm expecting a lot sa album na yun.
and here's a plug. armi millare, updharma downs' vocalist slash keyboardist, is a good writer. i mean aside from writing songs magaling din talaga siyang mag-blog. laging good read, at araw araw niyang ina-update ang blog niya. basahin ang kanyang blog
dito.