Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
11.12.08 delayed breathing "pasalamat ka na lang at meron ka pa ring trabaho", yan ang sabi sa kin ng tatlo sa mga kaibigan kong pinagkunsultahan ng sitwasyon ngayon. may punto nga naman sila. bad trip. yung quest ko for greener pasteurs biglang natigil. akala ko halos ok na pero baka mabulilyaso pa. yung paglipat ko ng trabaho nailagay sa indefinite hold at baka hindi pa matuloy kung mamalasin. hay. ano ba? malas lang talaga tong week na 'to. dagdag pa dyan yung sore throat kong hindi gumagaling at yung isa pang masamang pangyayari na hindi ko na ikukwento. hindi talaga ako nakatulog dun. napa-absent pa ko ng wednesday kaya ipinunta ko na lang sa doktor at itinulog yung buong araw. on the other hand meron din namang good news. eto yun. may isa pa kong application na hindi ko sinisiryoso. i've been editing pictures for the philippine embassy in washington from time to time. libre lang. tapos last week hiningi nila resume ko. ire-refer daw ako para sa isang job opening dun. wala namang masama kung susubukan kaya nagbigay na rin ako. parang pinagbigyan ko na nga lang yung kaibigan ko dun na nanghihingi ng resume ko. ni hindi ko na ni-review yung ibinigay kong file sa kanya. tapos kahapon nakatanggap ako ng message, kasama daw ako sa final three na pinagpipilian. wow! yun nga lang ayaw ko pa rin umasa. wala naman kase yan sa mga plano ko eh. pero syempre kahit papano naiisip ko rin paminsan minsan, na fact is posible pala na within the next six months mapadpad ako sa lugar na pinapangarap ng iba. ang kaso hindi ko naman talaga binabalak na mag-abroad. malungkot kaya dun. well, maghintay na lang muna at tingnan natin. wala pa namang nangyayari eh, at kung meron man pagiisipan ko pa rin yun ng husto. ah basta, darating tayo dun kung darating. hintay hintay lang. sa ngayon mas iniisip ko pa rin yung pagkatigil nung quest ko for greener pasteurs, yung pang dito lang. para sa kin kase yun ang mas realistic na scenario. manghihinayang ako dun ng husto kung hindi matuloy, malaking pagbabago kase ang mangyayari kung matuloy yun eh. ang maganda pa dun pabor sa kin lahat. hay. just wait and pray.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |