
ripped picture...
eto yung garden ng kapitbahay namin sa baguio. dyan kami naglalaro ng lahat ng larong pambata (di na yata uso sa mga bata yun ngayon?!?) nung kami ay less than 15 years old pa lang. paikot-ikot kaming naghahabulan dyan sa halaman sa gitna. surprisingly little has changed, kung ano siya nung umalis ako ng baguio 13 years ago iyon pa rin ang itsura niya.
naaalala ko, kapag christmas break, isa sa mga ginagawa namin sa garden na yan ay ang mag-bonfire bawat gabi. ganda ng trip namin, sa baguio lang merong ganon. tuwing hapon, pagkatapos maglaro, maghahanap na kami ng mga kahoy na magsisilbing gasulina ng apoy para hindi kami lamigin sa magdamag.
sa gabi, pagkatapos mangaroling diretso na kami sa bonfire namin. kwentuhan hanggang antukin at kapag madaling araw na ay nagsisiksikan na kami dahil sa lamig. sa bonfire sessions rin na yun ko natutunan i-locate ang big dipper, little dipper, orions belt at taurus. may mga geek kase sa min... hindi ako yun.