
got the old cam working. nye-nye. it's from the 1950's... or older. feeling ko nga 40's kase yung may-ari nito patay na nung early 50's. nakita ko lang to sa baul at ginawang display lang nung una. pero nung ni-check ko yung clockwork niya maayos pa naman ang andar. kaya dinala ko to sa quiapo 2 weeks ago para palinisan ang lente.
for an overview, the zeiss ikon nettar is a fully manual camera. mahirap. 'di tulad ng mga dslr o kahit digital cam na may built in light meter. mahirap pang magkamali ng shot dahil ang gamit nito ay medium format film, yung 120. ibig sabihin sa bawat roll ng film meron ka lang 12 shots.
ni-load-an ko ng film nung linggo at nag test run. mahirap gamitin. hindi ako marunong nung tinatawag na zone system (ewan ko kung applicable dito yun) para alam kontrolin ang ilaw. nag-rely lang ako sa instinct. chambahan!
so far so good. nakakuha ako ng magagandang shots pero may issues pa ko sa focusing. tantyahan lang talaga. hiwalay ang view finder sa lente mismo kaya ang ibang shots putol putol din.