malapit na ko mawalan ng trabaho. ramdam ko. ang bulok bulok ko kase pagdating sa opisina. yun ang lugar na kahit anong gawin kong pagsisiryoso ang tanga tanga ko pa rin.
ayaw ko malagay sa alanganin pero talagang may humihila lang sa kin papunta dun. parang sarili ko rin yun. walang kontrol. basta na lang gumagawa ng mga bagay na mapapahamak ako.
bukas 100% na may pagalit. sawang sawa na ko tumanggap non. kung pwede lang takasan.
pending for suspension. balita ko yan last week pa. ba't di pa matuloy? gusto ko nga na matuloy na eh. kelangan ko rin nun. bakasyon. parang pagisipan kung gusto ko pa ba yung trabaho o hindi.
matagal ko naman nang gusto umalis. pumipigil lang sa kin ay wala pa kong lilipatan. or kung may lilipatan man ako baka ganon rin lang mangyari, o baka mapasama pa lalo.
risks. ayaw ko pa naman ng risks.