hello people who drop by my blog. long time no read.
last weekend ang pangatlo kong balik sa zambales. una magisa ako para mag "soul search" hahaha. pangalawa yung pinatubo, tarlac kami dumaan pero technically zambales yung bulkan. yung huli nitong fri to sat lang.
went there to try surfing again. malas lang walang waves. muntik nang maging boring ang saturday morning pero buti na lang nag-decide kami mag stroll sa seashore. at ayun, bingo! may nagpapa-rent ng mga skim board. yey, activity! mura pa 50 pesos per hour lang compared sa 400 per hour na surfing.
mahirap pala. parang simple lang tingnan pero hindi. kelangan ng resistensya. kelangan ng timing. kelangan ng balanse. pag pinagsabay yung tatlo madalas sumasablay ako.
parang 3x siya mas mahirap sa surfing.