ngayon lang ako naglalaro ng games sa facebook.
trip trip.
farm town.
parang sims pero agriculture. ang lakas kumain ng oras at panahon. bagay tong ganito sa mga taong hindi lumalabas ng bahay at nakalimutan na may mundo pa rin sa labas ng internet.
hindi naman ako ganon, pero nawiwili ako. kung minsan, out of nowhere, biglang naaalala ko yung mga pananim ko. haha.
yung itinuro sa 'min nung elementary na "crop rotation" naa-apply ko na ngayon. 8pm magtatanim ako ng grapes. aanihin ko yun bago matulog tapos papalitan ko ng patatas para pag-uwi ko kinabukasan meron akong aanihin.
yung kikitahin ko pambibili ko ng bagong mga tanim. yung ipon pambibili ko ng gamit para sa farm.
parang ewan lang pero marami akong kaibigan na aliw na aliw din dito.