eto ang bago kong inaanak, si aj.

the 1st born of joseph, my college barkada. this is my 3rd inaanak. tatatlo pa lang pero nadadamihan na ko. kuripot pa naman ako. anyways, sino nga ba naman makaka-resist sa shining eyes ng batang ito. kaya ayun humingi ako ng pulang envelope, nilagyan ang loob ng pera at ibinigay sa aking kumpare.
at eto...

napaka-rare na mapagsasama mo kaming lima ng ganyan ngayon. last time yata nung reunion namin 3 years ago pa.
everytime na magkita-kita kami paulit ulit naming inuulit ang mga kwentong matagal na naming pinagkukwentuhan. at sa tuwing pinapaulit-ulit namin ang mga kwentong paulit ulit nanaming kinukwento nagtatawanan pa rin kami, walang mintis.
at sa aming lima parang ako lang yata ang hindi tumanda (motto kong bago: "growing old is optional"). tingnan mo lahat sila pang tatay na ang mga tiyan at ang mga suot.