ang iniwan ni ondoy ay masamang alaala. sa ganitong panahon tsaka lumalabas ang ugali ng mabubuting mga pinoy. tulong tulong, bigayan at handang isipin ang ibang nangangailangan bago ang sarili.
walang tigil ang buhos ng relief goods sa mga tanggapan at walang tigil din ang dating ng mga taong gusto tumulong. walang nagrereklamo na nahihirapan. lahat iisa ang iniisip, ang kabutihan ng mga nangangailangan.
kung ganito na rin lang sana ang ugali nating lahat kahit walang sakuna na nangyayari.