ako lang naman yata yung turistang pumunta ng bohol na hindi nakita ang chocolate hills.
ako rin lang ang nag-stay ng ilang araw sa cebu city pero hindi nasilayan ang magellan's cross.
at eto pa ako rin lang ang turistang pumunta sa dumaguete at nag-stay ng apat na araw pero hindi nakatikim ng kanilang sans rival.
nung nasa zambales, ako rin lang ang bumili ng pasalubong na pastillas na nakasulat sa pakete "made in laguna".
ako lang yun! ako lang.