Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
16.10.10 bonnie and clyde saan ba nakakapanood nung mga pulis na biglang papasok sa isang kasalan at aarestuhin ang groom sa harap ng mga bisita. hindi ba sa pelikula lang? hindi kapani-paniwala pero kanina lang nangyari iyon sa kino-cover naming kasalan. pagkatapos ng toast ay mayroong mga pumasok na CIDG may dalang warrant at huhulihin daw ang groom. nang makita ko ang mga nangyayari nag-safety na ko sa malayong lugar para kung may mangyari man eh madali kong maililigtas ang sarili ko. nakakakaba. may halong takot. madalas na kasama ng presence ng pulis ang salitang "unsafe". oo, parang mali pero takot ako sa kanila. isipin mo na lang kung gaano kalaking takot na lang yun dahil sa labas ng venue ay pinapalibutan ng isang batalyon ng CIDG (high profile police para sa mga bigating kaso) at armado lahat ng armalite. suskomiyo! kung magkaputukan magiging every man for himself na. salamat sa Diyos at wala namang kaguluhan na naganap. pagkakaalam ko lang ay nahimatay ang bride, isinakay sa ambulansya kasama ang ilang escort na pulis. ang groom naman ay sumama na rin ng maayos sa mga umaresto sa kanya. naguwian ang mga guests at naiwan ang sandamakmak na pagkain para pagpiyestahan sa min. ang weird ng reality.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |