ayaw ko na pala mangarap maging pro ngayon. lahat yun na lang ang pangarap. e libo libong mga dslr na ang nakakalat sa pilipinas ngayon. mas marami pa nga sigurong dslr dito sa 3rd world country na ito kumpara sa new zealand at australia na pinagsama.
baguhin ko na lang pananaw ko. gusto ko na lang siguro tingnan ako na naging passionate sa libangang ito. hahaha, artist kuno. pero parang nga nung counterstrike days lang, nagpupursigi ako kase nage-enjoy ako. hindi para sa pera o para maging sikat. nagpursigi ako kase nagsasaya lang ako. iyon ang mahalaga, yung nagsasaya ako. simple. tapos.