Ako si Kuya
i am 28 years old i am from baguio city i am a bs computer science graduate
YM id: a_aspi
Libre Bumati dito
Flickriver Mga Kakuwentuhan aia aki aleng ava benz cai cat cheska clarisse coy cruise david denisse eric esteban hanigrey hermie iskoo jhoanne josie keo kirsty klariz ladycess lorraine marelle marya melai neil pasulong paurong ryan sasha tin esophoric ver very wendy xienah yzza Mga Naligaw Dito Ang Nakalipas
Sponsors/Credits ripway haloscan cooltext bravenet Extra
All Rights Reserved Best View: 800x600 Resolution
|
23.8.11 boom number 5, me, ccc and more so this coming saturday magiging gatekeeper ako sa isa sa mga annual events na pinupuntahan ko for the past half decade. it's a crappy job pero excited ako. parang bumabalik ako sa pagka-elementary. diba dati kung piliin ka ng teacher mag erase ng blackboard masaya ka pa. parang ganong effect.
bumabalik nanaman sa utak ko yung joke ko sa sarili 5 or 6 years ago. na balang araw pwede kaya na magta-trabaho ako para sa local music/rock scene at kapag wala sa eksena concentrate muna ako sa libangan ko na day job. hehe. *** eversince bumukod ako ng weekday tirahan naging drastic ang pagbabago ng tingin ko sa buhay. hindi na ko kuntento sa buhay ako sa kinikita ko ngayon. nagwo-worry na ko na baka hanggang dito na lang ako at hindi na umasenso. praning. pero pwede naman kase magkatotoo. kung ako tatanungin hindi pa ko kuntento sa ganito. akala ko ok yung parang hindi tumatanda. pero nung tiningnan ko na most of the people around me are early-20-year-old-ers na nage-enjoy pa sa buhay napaisip ako na teka, hindi na ko pwede ma-stuck sa ganong state of mind na tulad ng sa kanila. one good thing natuto ako mag-budget kahit papaano. kelangan eh. kung dati kusang nakakaltas sa buwanang sahod ang ipon ko, sa pinagta-trabahuhan ko ngayon iba. natuto na rin ako magtipid. kasabay nun natuto ako kumain ng gulay, mura kase. haha. one time nalaman ng kakilala kong katuga (kain-tulog-gala) na minsan ang inuulam ko ay okra o kaya baguio beans, na paborito ko naman, kapag nagtitipid. hindi niya daw kaya yung ganon at hindi siya papayag. mukhang kawawa na pala ako sa pinaggagagawa ko. *** pang 3rd year na ng camera club. yay. mixed emotions. minsan naiinis ako pag binabale wala na ko sa club na to, pero mas nananaig yung saya ko dahil habang tumatagal lalong lumalaki at tumatatag. sa ngayon siguro ito ang pinakamalaking trophy na meron ako at gusto ko ipagmalaki. malungkot lang na ilan sa mga original at mga nakatulong talaga na mga miyembro ay umalis. meron silang mga personal na rason na hindi na parallel sa itinatakbo ng club. nire-respeto ko mga desisyon nila kaya so be it. isa pa, gaya ng lagi kong sinasabi, siguro yung pag alis alis ng mga miyembro dahil sa mga away at hindi pagkakaunawaan ay proseso para malinis ang club.
|
|||
DITO ANG LUMANG BLOG |