nabubuwisit na rin ako sa mga kakilala kong masyado matatalino eh. nagmimistulang mga higher beings. nagmimistulang alam ang lahat.
sa korte lang applicable yung kung sino mas magaling magpaliwanag siya ang mas tama.
minsan hindi na importante kung sino ang tama at kung sino ang mas tama. kung ma-convince mo ang mga tao na tama ang point mo pero kapalit nito ang dami mong sinagasaan at ginawang gulo, ano ang silbi nun? mas matimbang ang mga taong makakagawa ng mga bagay para ayusin ang lamat kesa sa lalong palakihin ito.
kung sa tingin mo ang gagawin mo ay tama pero ang magiging resulta naman ay mas maraming mali gagawin mo pa ba? bubutasan mo ba ang bangkang sinasakyan para patunayang lumulubog ang bangkang may butas?
sa isang inuman session, sino mas pipiliin mong kasama? yung mga walang ginawa kung di sabihin "pakinggan mo point ko kase feeling ko mas tama to" o yung mga willing makinig sa mga kwento mo at willing din mag kwento pagkatapos mo? ako, dun ako sa nagsu-submit at willing din ako mag-submit sa gusto nila para sa samahang walang gulo.