1st time to voluntarily go to the hospital this morning. bukas naka-sched ako para sa ultrasound... sana hindi to masama.
eto problema sa hindi regular sa ospital, yung kung ano anong naiisip. sa buong buhay ko ata apat na beses lang ang natatandaan kong nagpunta ako sa ospital. nung 3 or 4 ako, nakuryente ako one time at nasugatan ng malubha sa paa sa ibang pagkakataon. 7 yrs old ako yung pangalawa, high fever... last time ko sinugod sa ospital ay 19 or 20 ako nung nawalan ng electrolytes (tama ba spelling).
this time wala namang masakit pero parang may mali at discomfort sa katawan ko kaya nagpa-check. tho' may hula na ang doktor kung ano meron sa kin (mukha naman siyang hindi siryosong kalagayan) kelangan ko pa rin daw magpa-ultrasound para ma-confirm.
pero kung anu-ano pa rin naiisip ko.