minsang nagsama sama kami ng mga kabarkada. konting inom, konting kain. nung dumating ang 5 year old na anak nung host ay biglang tinawag niya kami para magtipon tipon sa entertainment area ng kanilang bahay. binuksan ang radyo at nagpatugtog ng Oppa Gangnam Style. pinasayaw ang anak (na may dalawang moves ang alam gawin). habang sumasayaw ang kanyang junior ay in-insist niya sa min na, sa lahat ng bata, pinakamagaling sumayaw ang kanyang anak. sa oras na iyon nagkaron ako ng realization at sinabi ko sa sarili na "shet ang baduy nga pero yung mga nakikita kong ginagawa ng mga matandang tiyuhin namin dati gagawin din pala namin".